Nakasout na ng Personal Protective Equipment (PPE) ang mga driver ng bus at Public Utility Vehicle (PUV) na nagbibigay ng libreng sakay para sa mga health worker.
Ito ay alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols.
Maliban dito, dumadaan din ang mga bus at PUV ng disinfection.
Sa kasalukuyan, umabot na sa bilang na 1,431,954 ang kabuuang ridership ng nasabing programa kung saan 419,761 ang total ridership sa National Capital Region (NCR)-Greater Manila, habang 1,012,193 naman sa iba pang mga rehiyon, simula ng ipatupad ito.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), maaaring makita ang live location ng mga bus units habang binabaybay ang 20 ruta sa Greater Manila Area dahil sa mga naka-install na Global Positioning System (GPS) location tracker devices sa mga bus.
Dahil dito, malalaman ng mga frontliners ang oras ng pagdating ng mga bus sa pamamagitan ng website at mobile app ng Sakay.ph.
Inihayag din ng ahensya na naglagay rin sila ng 10 van sa Philippine General Hospital (PGH), dalawa sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Asian Hospital.