MGA DRIVER NG PAMPASAHERONG MGASASAKYAN SA LUNGSOD NG DAGUPAN, INAASAHAN NA ANG IPAPAMAHAGING FUEL SUBSIDY

Inaasahan na ng mga drivers at operators ng mga pampasaherong sasakyan partikular ang mga jeepney at tricycle drivers sa Dagupan City ang ipapamahaging fuel subsidy ng Land Transportation Regulatory and Franchising Board of LTFRB bilang pantugon sa nagpapatuloy na serye ng bigtime oil price hike.
Ngayong araw din ang 11th row o ang ikalabing-isang linggo ng pagsirit sa mga produktong petrolyo at inaasahan pang tumaas ito hanggang sa mga susunod na buwan bagay na pasakit umano para sa mga maliliit na drivers at operators.
Makatutulong ang maipapamahaging fuel subsidy anila at kanilang ilalaan panggas upang makapagpatuloy sa pamamasada.

Bagamat ang iba ay natuwa, ang iba rin naman ay mas matutuwa umano kung magkakaroon na ng rollback sa langis.
Samantala, umpisa na noong nakaraang linggo ang pamamahagi ng fuel subsidy sa lahat ng mga rehistradong kabilang sa transport sector nationwide. |ifmnews
Facebook Comments