Mga driver ng tradisyunal na jeep na San Juan, nagreklamo matapos na hindi mapasama sa mga inaprubahang makabiyahe ang kanilang ruta

Nagrereklamo ngayon ang ilang driver ng traditional jeepney sa San Juan City.

Ito ay matapos na hindi mapasama ang kanilang ruta na San Juan-Divisoria sa 49 na ruta na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa mga driver, apat na buwan na silang nagtitiis sa gutom dulot ng COVID-19 kaya sana naman ay mas marami pang ruta ang inilabas ng ahensya.


Paliwanag ng mga driver, nakahanda na silang magbalik sa kalsada kung saan nasa kondisyon ang kanilang jeepney at may plastic barrier na rin ang kanilang jeepney.

Gayunman, dahil wala pang utos mula sa LTFRB na magbalik sila, wala silang magawa kundi sumunod na lang.

Sa ngayon ang mga ruta na pa-Divisoria na pinapayagan ay ang mga sumusunod:

* Blumentritt – North Harbor via Divisoria
* Divisoria – Gastambide via Morayta
* Divisoria – Pier North via Plaza Moriones
* Divisoria – Quiapo via Evangelista
* Divisoria – Velasquez

Facebook Comments