Mga drone sa Switzerland, patok ngayon sa pagde-deliver ng mga package

Switzerland – Uso ngayon sa Switzerland ang mga drones na ginagamit na para sa pagde-deliver ng mga packages.

Ang drone delivery service o mas kilala sa tawag na “Matternet” ay nakatakdang gamitin para sa mga ospital at laboratoryo sa Switzerland.

Gagamitn ang nasabing medical drone para mas mapapabilis ang pagpapadala ng mga lab samples gaya ng mga blood tests at iba pa.


Maaring rin itong gamitin upang makapagpadala ng mga gamot sa mga lugar na mahirap puntahan.

Nabatid na sa ibang bansa gaya ng Amerika, ginagamit ito para sa deliveries ng iba’t-ibang produkto.

Facebook Comments