Ngayong buwan ng Hulyo ang panahon ng pagdiriwang sa National Disaster Resilience Month kung saan ngayon taon, nakiisa at patuloy na nakikiisa ang bawat lokal na pamahalaan sa buong bansa, partikular na dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang tema ngayong taon ng aktibidad na ito ay BIDANG Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-being towards Disaster Resilience kung saan nakatutok ito sa pagtiyak na ang kapakanan ng bawat Pilipino ay napangangalagaan nang mabuti paalala nang sa ganoon ay makapag-ambag pagsisikap na bumuo ng isang bansang matatag at ligtas sa kalamidad.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa Pangasinan PDRRMO Aide/Training Officer Thea Picar, makikiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa isasagawang Kick-Off Ceremony ng 2023 National Disaster Resilience Month sa darating na Lunes, ika-10 ng Hulyo, kasabay ng Flag Raising Ceremony kasama ang mga empleyado sa iba’t ibang departamento sa Kapitolyo.
Bukod dito, isasagawa rin ang isang inagurasyon sa mga rescue vehicles para sa probinsiya na makakatulong sa pagresponde sakaling may mangailangan ng tulong.
Ayon pa kay Picar, desisyon ng bawat LGU sa lalawigan kung ano ang gagawin nilang hakbang o aktibidad upang mas maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng paghahanda sa panahon ng kalamidad.
Ilan lamang sa mga isanasagawa ng iba’t ibang LGU ay ang motorcade, Basic Life Saving Techniques-BLS/CPR and First Aid, Understanding DRR-CCA, Basic Rope Rescue (Knot Tying), Surface Water Search and Rescue, Barangay Evacuation Center Management at marami pang iba. |ifmnews
Facebook Comments