Mga drug addicts, kumonti dahil marami sa kanila ang umano’y pinatay

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, natural lang na mabawasan ang bilang ng mga drug addicts sa bansa.

Ayon kay Trillanes, ito ay dahil libu-libo na sa mga gumagamit ng bawal na gamot ang umano ay pinatay ng walang due process.

Dagdag pa ni Trillanes, namatay ang mga ito nang hindi nabibigyan ng pagkakataon na maisailalim sa rehabilitasyon.


Kaya diin ni Trillanes, ano ba ang ipinagdiriwang ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kundi ang kalupitan ng kanyang amo.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag makaraang lumabas sa survey ng Social Weather Station (SWS) na sa pananaw ng publiko ay bumaba na ang bilang ng mga drug users sa bansa.

Facebook Comments