Cauayan City, Isabela- Nasa kwarentay sais na lamang ang bilang ng mga Drug Identified sa lungsod ng Cauayan batay sa ibinahagi ni Police Senior Inspector Esem Galiza, Police Community Relation Officer ng PNP Cauayan City sa naging ugnayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kanina, April 7, 2018.
Aniya, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang koordinasyon sa mga barangay officials, brgy. Captains at sa BADAC member ng mga barangay upang matukoy kung naririto pa sa lungsod ng Cauayan ang mga pangalan na nasa kanilang listahan.
Nasa 836 Drug Surenderers naman ang naitala sa naturang lungsod na karamihan sa mga ito ay galing sa Poblacion habang nasa 433 naman ang bilang ng mga nakapagtapos sa Community Based Rehabilitation Program o CBRP.
Kaugnay nito, Kadalasan umano sa mga sumuko at nahuhuli ay mga tsuper, Construction worker, mga pahinante ng malalaking truck at kabilang na rin ang mga studyante.
Samantala, nasa pitong barangay na ang naideklarang Drug Free mula sa labing siyam na barangay ng lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng Brgy. Catalina, Rogus, Casalatan, Casapuera, Manaoag, De Vera at Carabatan Grande.
Humihingi pa rin ng suporta at kooperasyon sa taumbayan si PCR Galiza upang mapanatili ang kapayapan sa naturang lungsod lalo na sa Selebrasyon ng Gawagaway-yan Festival.