Mga drugstore owner at pharmaceutical retailer, kinalampag ng senador para sa agad na pagpapatupad ng VAT exemption sa mga piling gamot

 

Kinalampag ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga drugstore owner at pharmaceutical retailer na ipatupad agad ang VAT exemption sa mga piling gamot.

Kaugnay dito ay 22 gamot ang nadagdag sa listahan ng higit 2,000 VAT-exempt drugs para sa diabetes, hypertension, cancer, high cholesterol, mental illnesses, tuberculosis, kidney diseases, gayundin ang mga gamot at medical devices para sa gamutan ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin, mahalagang ang mga abot-kayang gamot ay gawing available na sa mga kababayang may karamdaman.


Giit ng senador, marapat lamang na ipatupad na sa lalong madaling panahon ang VAT-exemption sa mga dagdag na gamot upang mapakinabangan na agad ng mga mamamayan na may iniindang sakit.

Hinimok naman ng mambabatas ang publiko na manatiling mapagbantay sa presyo ng mga binibiling gamot kung saan dapat makikita sa resibo ang VAT exemption sa biniling gamot.

Facebook Comments