Mga dumagsa sa Dolomite beach noong weekend, lumabag sa IATF rules – DOH

Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng paglabag sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagdagsa ng 65,000 indibidwal sa Dolomite beach nitong weekend.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong itinalagang protocols ang IATF sa mga lugar na nasa Alert Level 3 kung saan tanging 50 percent outdoors capacity lamang ang pinapayagan.

Aniya, responsibilidad ng mga ahensya ng gobyerno na masigurong walang mangyayaring mass gatherings sa Dolomite beach.


Kasabay nito, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maaaring makapasyal sa Dolomite beach ang mga kabataan.

Aniya, pinapayagan lamang ang mga menor de edad na makalabas ng bahay kung ito ay essentials purposes.

Umapela rin si Roque sa Manila Police District (MPD) na ipatupad ang umiiral na health protocols para hindi maging dahilan para tumaas muli ang COVID cases sa Metro Manila.

Facebook Comments