Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga pumunta sa Dolomite Beach sa Manila Bay na bantayan ang sarili laban sa sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mainam na mag-self-isolate ang mga ito at magsuot ng face mask kahit nasa loob ng kanilang bahay kung nakakaramdam ng sintomas ng sakit.
Aniya, sa sandaling maramdaman ng mga sintomas ng virus tulad ng pananakit ng ulo at lalamunan, ubo, pagkawala ng pang-amoy at panlasa ay agad mag-quarantine.
Matatandaang noong Oktubre 24 ay umabot sa 121,744 ang mga dumagsa sa Dolomite Beach kung saan wala ng physical distancing.
Facebook Comments