Mga e-trike at e-bike, naglipana pa rin sa ilang national road sa Maynila

 

Sa kabila ng pahayag na magkakahulihan, marami pa rin na e-trike ang nakitang dumaraan sa ilang nation road sa Maynila.

Ang iba ay personal na gamit tulad ng paghahatid habang ang ilan ay ipinangpapasada.

Kasama na rito ang mga e-trike na nasa pangangasiwa ng lokal na gobyerno ng Maynila.


Ang ilan sa mga tsuper ng mga e-trike na pumapasada ay pinagbawalan ng dumaaan sa Taft Ave., kaya’t Mabini na ang daan nila patungong Malate Church at pabalik.

Bukod dito, pinagbawalan na rin sila na dumaan sa Rizal Avenue kaya’t hindi pa nila alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw.

Karamihan sa mga e-trike at e-bike ay nakikipagsingitan pa sa mga pampasaherong jeep at ilang sasakyan.

Una na ng inihayag na huhulihin at i-impound ang mga e-bike at e-trike na daraan sa national road lalo na kung ito ay hindi naka-rehistro.

Facebook Comments