Mga ebidensiyang posibleng makalulutas sa kaso ng pagpatay kay Horacio Castillo III, pinakakalap na ng MPD

Manila, Philippines – Inatasan na ni MPD District Director Police Chief Supt. Joel Coronel ang Homicide Division na kumalap ng lahat ng mga ebidensiya sa posibleng ikalulutas sa kaso ng pagkamatay ni Horacio Tomas Castillo III kabilang na ang CCTV sa Chinese General Hospital, ang Uber unit na sinakyan ng biktima at mga taong huling nakasama ni Castillo.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na cooperative naman at hindi nagtatago ang isa sa mga itinuturing posibleng maging susi sa krimen na nakilalang si “John Paul Solano”. Ito ay dahil natatawagan umano nila ito sa telepono at nagpahayag naman ng kahandaan na makiisa sa imbestigasyon.

Dagdag pa ni Margarejo na aalamin din umano ng MPD kung maliban kay Castillo ay may iba pang miyembro ng fraternity na nasugatan o nasaktan sa initiation rites.


Focus din ngayon ng imbestigasyon ang school authorities na maaring makapagbigay-linaw sa imbestigasyon.

Facebook Comments