Mga ebidensyang kailangan ng NBI sa imbestigasyon nito sa nangyaring shootout sa pagitan ng PDEA at QCPD, nakumpleto na

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hawak na ng National Bureau of Investigation ang mga ebidensyang kailangan nito sa ongoing investigation sa nangyaring “encounter” sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Kabilang dito ang CCTV footages, affidavits ng mga testigong sibilyan gayundin ang sworn statements o sinumpaang salaysay ng mga tauhan ng PDEA at PNP.

Una nang humarap sa NBI ang mga operatiba ng QCPD at PDEA na sangkot sa nangyaring barilan.


Sa naturang shootout, 5 ang namatay kabilang na ang 2 pulis, PDEA agent at isang impormante.

Una na ring inatasan ni Sec. Guevarra ang NBI na pumasok sa nasabing imbestigasyon.

Facebook Comments