Mga ebidensyang nakuha sa sasakyan na pinaglipatan umano ng missing beauty queen, patuloy pang pinoproseso ng pulisya

Nakakuha ng hibla ng buhok at mga posibleng blood sample ang regional forensic unit ng PNP Forensic group sa narekober na pulang CRV na pinaglipatan ng umano’y duguang katawan ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, isinasailalim na ngayon sa proseso ng Forensic group ang mga nakalap na mga ebidensya.

Nakikipag-ugnayan na rin ani Col. Fajardo ang CIDG Region 4-A sa pamilya ni Camilon upang makakuha ng DNA samples nang sa gayon ay maikumpara sa mga nakolektang forensic evidence sa naturang sasakyan.


Una nang inihain sa Batangas Provincial prosecutors’ office ang kasong kidnapping at illegal detention laban kina Police Maj. Allan Avena de Castro, Jeffrey Ariola Magpantay at dalawang John Does na sinasabing nasa likod ng pagkawala ni Camilon.

Facebook Comments