Mga ecozones, ipinasasailalim na rin sa health and safety inspection

Manila, Philippines – Ipinasasailalim na rin sa health and safety inspection ang mga special economic zones sa bansa tulad ng Resorts World Manila.

Ayon kina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, ipapasok nila sa amyenda ng Occupational Health and Safety Bill sa bilateral conference committee ang probisyon na tanggalin sa exemption sa labor and safety inspection ang mga special economic zones.

Hiniling din ng mga mambabatas na ibasura ang Department Order 131 na nag-e-exempt sa mga ecozones na sumailalim sa workplace inspection.


Giit ng mga mambabatas, ang trahedya sa RWM ang naging hudyat para ipabasura ang exemptions sa pagiinspeksyon sa mga ecozones.

Nais silipin ng mga mambabatas kung may mga nalabag ba ang casino sa health at safety standards lalo pa’t sinasabing hindi gumana ang sprinkler system ng gusali kung saan karamihan sa 38 kataong nasawi ay dahil sa suffocation.

Dagdag pa ng mga mambabatas, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na ang isang ecozone ay nasunog kaya dapat na isama na rin ang mga ito sa mahigpit na pagiinspeksyon para na rin sa kaligtasan ng mga empleyado.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments