Mga edad 12 hanggang 17, posibleng isama na sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan

Ikinokonsidera ng pamahalaan na maisama na ang mga edad 12 hanggang 17 sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno sa huling kwarter ng 2021.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Moderna at Pfizer COVID-19 vaccine na maiturok sa mga kabataan.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang mga kabataan na may comorbidities ang ipaprayoridad munang mabakunahan.


Gayunman, ang pagbabakuna sa mga kabataan ay nakadepende pa rin sa pag-apruba ng mga magulang.

Nagpaalala naman si Domingo sa mga magulang na basahin ang product label ng Pfizer at Moderna COVID-19 vaccine sa FDA websites para sa mga impormasyon ng mga nasabing bakuna.

Facebook Comments