Papayagan nang maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga kabataang nasa edad 12 hanggang 18 sa France.
Sa ngayon ayon kay French President Emmanuel Macron, tumaas ang suplay ng bakuna sa kanilang bansa habang 50% na rin ng French adults ang nabakunahan kontra COVID-19.
Paglilinaw naman ni Health Minister Olivier Veran, hindi kompulsorya ang pagbabakuna sa mga kabataan ngunit kailangan pa ng pahintulot ng mga magulang.
Sa kasalukuyan ay unti-unti pa lamang na bumabangon ang bansa mula sa kanilang ikatlong nationwide lockdown.
Facebook Comments