Mga edad 12 hanggang 18 sa Saudi Arabia at Indonesia, babakunahan na kontra COVID-19

Sisimulan nang turukan ng COVID-19 vaccine ang mga nasa edad 12 hanggang 18 taong gulang sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi Food and Drug Authority (SFDA), Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine ang gagamitin sa mga nasabing indibidwal.

Samantala, papayagan na rin sa Indonesia ang pagbakuna sa mga nasa kaparehong edad kung saan gagamitin ang mga COVID-19 vaccines ng Sinovac sa ilalim ng kanilang Emergency Use Authorization.


Ito ay matapos na ihayag ng Indonesian Pediatrician Association (IDAI) na tumaas ng 12.5% ang mga batang nahawaan ng COVID-19 Delta Variant.

Facebook Comments