Mga editor ng PNA, pinasisibak sa pwesto dahil sa maling paggamit ng logo

Manila, Philippines – Bunsod ng palpak na paglalagay ng logo ng Department of Labor and Employment sa website ng Phil. News Agency, hiniling ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone kay Communications Sec. Martin Andanar na sibakin ang mga editor na responsable sa nasabing kapalpakan.

Giit ng kongresista, hindi katanggap-tanggap ang paulit ulit na sablay ng web-based newswire service ng gobyerno na nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office.

Sinabi ni Evardone na ipinapakita lamang ng mga maling impormasyon na inilalagay sa website na hindi kwalipikado ang mga editor sa trabaho.


Aniya, anumang impormasyon na lumalabas sa gov’t. news website na ibinabahagi sa publiko ay nagrereflect sa gobyerno.

Bago ito, nabatikos rin ang PNA sa pagpost ng opinyon ng Xinhua news agency ng China laban sa arbitration ruling sa West Philippine Sea at ilan pang hindi angkop na istorya.

Facebook Comments