Mga eksperimento ng MMDA sa EDSA, pinapahinto ng isang senador

Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na ihinto na ang ipinapatupad na anti-family at anti-progress na  mga eksperimento sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Ipinaliwanag ni Pangilinan, na dahil sa hindi pinag-isipang mabuti na traffic scheme ay lalong lumiit ang oras para magkasama-sama ang bawat pamilya kada araw sa kanilang mga tahanan.

Tinukoy naman ni Pangilinan ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency’s na nagsasabing 3.5-billion pesos ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa problema sa trapiko.


Kaugnay nito ay inihain ni Pangilinan ang Senate Bill 775 Magna Carta for Dignified Commuting para sa karapatan ng mamamayan sa ligtas, maayos, komportable, maaasahan at may dignidad na public transport system.

Itinatakda rin ng panukala ang pagtatatag ng National Office on Commuter Affairs para sa paglalatag ng sustainable transportation policy.

Facebook Comments