Mga eksperto, hindi iminungkahi kay PRRD ang pagkakaroon ng total lockdown

Matapos ang pulong kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga eksperto kabilang na ang mga dating kalihim ng Health Department.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na wala ni-isa sa mga ito ang nagrekomenda ng total lockdown o kahit pa total lifting ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon na nakatakdang magtapos sa Abril a-30.

Ayon kay Roque, nagkakaisa ang rekomendasyon ng mga eksperto kay Pangulong Duterte, naging mahaba ang pulong pero hindi naman naging madugo.


Paliwanag ni Roque masusing pinag-aaralan ng Pangulo ang kanyang magiging desisyon at sa katunayan, sinabi kanina ni Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na ibinalik sa kanila ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon ng task force nang sa ganun ay masuri lahat ng pangulo ang lahat ng opsyon para makabuo ng tamang desisyon bago o pagsapit ng April 30.

Facebook Comments