Mga eksperto, iminungkahi ang virtual salo-salo sa pagdiriwang ng Pasko dahil sa banta ng COVID-19

COURTESY: Philippine College of Physicians

Iminungkahi ng mga eksperto sa publiko na idaan muna sa virtual salo-salo ang pagdiriwang ng Pasko dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, sa ganitong paraan maaaring magkasama pa rin ang mga magkakamag-anak sa Pasko lalo’t hindi pa pinapayagan ng gobyerno ang mass gathering bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Sinabi pa ni Limpin na huwag munang masyadong umasa sa bakuna na dine-develop para sa COVID-19.


Kailangan pa rin kasi aniyang tignan at pag-aralan ang resulta ng lahat ng mga trials na ginagawa sa ngayon para matiyak ang pagiging epektibo at ligtas ng mga bakuna.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin sa bansa ang mga COVID-19 vaccine na ginagawa ng China at Russia kung mapatutunayang ligtas at epektibo ang mga ito.

Facebook Comments