Mga eksperto ng WHO, pupunta ang Wuhan, China para imbestigahan ang pinagmulan ng COVID-19

Babalikan ng mga researchers ng World Health Organization (WHO) ang wholesale food market sa Wuhan, China para ipagpatuloy ang imbestigasyon ang pinagmulan ng kaso ng COVID-19.

Matatandaang unang nagkaroon ng kaso ng COVID-19 sa Wuhan na nagmula sa mga paniki.

Ayon kay WHO Expert in Animal Diseases Peter Ben Embarek, nais muli nilang makapanayam ang mga unang nagkaroon ng COVID-19 cases at hanapin ang mga mayroong impormasyon kung saan nila nakuha ang bagong coronavirus.


Una nang tiniyak ng China sa WHO na isang international field trip para imbestigahan ang pinagmulan ng COVID-19 ay aayusin sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments