Mga eksperto sa pediatric health, hindi pa pabor sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad

Hindi pa kumporme ang Philippine Pediatric Society sa mungkahing bakunahan na rin ang mga bata kontra COVID-19.

Ayon sa naturang mga eksperto, mas makabubuting unahin muna ang mga adult at nakatatanda.

Anila, sakaling sapat na ang bakuna at marami na ang nabakunahan sa hanay ng adults, maaaring mabakunahan ang mga may edad 12 pataas lalo na ang may comorbidity at nakatira sa mga lugar na mataas ang insidente ng hawaan


Nilinaw rin ni Dr. Mary Ann Bunyi na patuloy pa ang pag-aaral hinggil sa pagtutok ng Pfizer sa mga bata habang ang Sinovac ay humihingi pa lamang ng permiso sa Food and Drug Administration (FDA) para magsagawa ng pag-aaral sa epekto ng bakuna nila sa mga bata sa Pilipinas.

Facebook Comments