Mga eksperto, walang nakikitang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa, isang linggo matapos ang eleksyon

Walang nakikitang indikasyon ang ilang eksperto na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, isang linggo matapos ang May 9 elections.

Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, nananatiling mababa at manageable ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Wala rin aniya silang makitang problema sa health care utilization rate ng bansa na nananatili sa low risk.


Sinabi naman ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na maituturing lamang na significant ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung ang kasalukuyang bilang ng daily cases ay magdodoble.

Facebook Comments