Ipinaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi masasayang ang mga election paraphernalia at mga suplay na gagamitin sa Barangay at SK Election.
Ito’y matapos na pirmahan nI Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act (RA) 11935 na nagsasaad na ipagpaliban ang December 5, 2022 Barangay at SK Election at sa halip ay sa huling Lunes na lamang ng buwan ng Oktubre 2023 ito gawin.
Sa pahayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, walang dapat alalahanin ang publiko dahil ang mga election paraphernalia tulad ng mga offical ballot at iba pang gamit.
Ayon kay Garcia, mananatili ang mga election paraphernalia sa warehouse ng COMELEC kung saan mahigpit itong babantayan at sisiguraduhing ligtas hanggang sa October 2023 Barangay at SK Election.
Ang pag-iimprenta naman mga balota na ikinakasa sa National Printing Office ay pansamantalang sususpindihin.
Dahil sa mga pagbabago, balak ngayon ng COMELEC na ipagpatuloy ang voters’ registration hanggang sa huling linggo sa buwan ng Nobyembre o kaya sa unang linggo ng Disyembre para mas tumaas pa ang bilang ng mga botante.