Unti unti nang iba-byahe sa mga lugar na pagdarausan ng plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law ang mga election paraphernalias.
Ayon kay ARMM Election Officer Atty. Rey Sumalipao wala nang problema at gagamitin na lamang ang mga election paraphernalias na ito.
Simula aniya bukas, ipamamahagi na ito ng mga provincial treasurer na in charge sa mga election paraphernalias sa ibat ibang municipal treasurers at idi-distribute sa mga clustered precints na simultaneous gagawin.
Habang sa Lunes ng madaling araw kanila ng ibibiyahe sa iba’t ibang polling precints ang mga election paraphernalias.
Sapat na rin aniya ang security forces para magbantay simula botohan hanggang sa bilangan at pag transport ng mga canvassing results.
Wala aniya syang nakikitang problema sa distribution ng mga election paraphernalia dahil kasado na ang seguridad dito.