Inalis na ng Commission on Election (COMELEC) ang election related ban o mga bawal kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2022.
Ito ay kinumpirma ni COMELEC Chairman George Garcia kasunod ng pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpapaliban sa naturang halalan at halip ay isasagawa sa October 2023.
Ayon kay Garcia, wala nang gun ban pati ang ban sa public works and social services, kaya naman papayagan na ang mga lokal na pamahalaan na ituloy ang proyekto nila.
Dagdag pa ni Garcia, maglalabas ang COMELEC ng kaukulang resolusyon hinggil dito at hintayin na lamang ng mga kababayan.
Samantala, kinumpirma rin ni Garcia na hindi na matutuloy ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa BSKE.