Mga elective surgeries sa PGH, pansamantala munang ititigil

Pansamantala munang itinigil ng Philippine General Hospital (PGH) ang mga elective surgeries nito upang magdagdag ng ward beds at matutukan ang mga emergency case.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, nasa 10 hanggang 15 ang idinagdag na ward beds sa emergency room ng PGH para ma-accommodate ang mga pasyente.

Nabatid na overcapacity na kasi ang mga emergency room ng PGH dahil umabot na sa 150 ang mga pasyente sa ERs o katumbas ng 200%, kung saan mas doble ito sa 70-bed capacity ng ospital.


Dahil dito, tanging ang mga life-and-limb-threatening emergencies lang muna ang tatanggapin ng PGH.

Facebook Comments