Mga Electric Coop sa Luzon, pinaghahanda ng NEA sa harap ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Pinaghahanda ng National Electrification Administration (NEA) ang mga electric cooperative sa Region IV-A kasunod ng nangyaring phreatomagmatic eruption ng Taal Volcano.

Partikular na pinapa-activate ng Disaster Risk Reduction and Management Department ng NEA ay ang Emergency Response Organization upang maprotektahan ang power distribution systems.

Pinayuhan din ng NEA ang mga electric cooperative na i-monitor ang Taal Volcano bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Nauna nang itinaas sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Taal Volcano dahil sa magmatic intrusion sa main crater.

Facebook Comments