Mga electric cooperative, inalerto na ng NEA dahil sa Bagyong Uwan

Inatasan na ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng electric cooperatives (ECs) na paigtingin ang kanilang paghahanda dahil sa Bagyong Uwan.

Ito’y habang sinisikap pang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente na naapektuhan ni Bagyong Tino.

Ayon kay NEA Administrator Antonio Mariano Almeda, inalerto na nila ang lahat ng EC, lalo na sa Western, Central, at Eastern Visayas.

Sa ngayon, nasa 95% hanggang 97% na ang naibalik na suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar sa Visayas.

Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng maging super typhoon si Bagyong Uwan na magdadala ng malalakas na ulan at hangin.

Dahil dito, pinapalakas ng NEA ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) protocols at tinitiyak ang kahandaan ng kanilang Quick Response Teams, emergency equipment, at restoration materials upang mabawasan ang power disruptions.

Facebook Comments