Mga electric cooperative na naapektuhan ng Bagyong Ramil, pumalo na sa halos 50 —NEA

Umabot na sa halos 50 na Electric Cooperatives (ECs) mula sa 31 na lalawigan sa bansa ang apektado ng hagupit ng Bagyong Ramil.

Ayon yan sa National Electrification Administration (NEA), kabuuang 49 na kooperatiba ng kuryente ang naapektuhan ng naturang bagyo.

Sa pinakahuling datos mula sa NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), may tatlong electric coop ang nagpatupad ng partial interruption.

Kabilang dito ang Benguet Electric Cooperative (BENECO) sa Benguet, Capiz Electric Cooperative, Inc. (CAPELCO) sa Capiz at Quezon I Electric Cooperative (QUEZELCO 1) sa Quezon Province.

Pero nasa walong rehiyon ang naapektuhan ng bagyo ang electric coop kabilang ang CAR, Cagayan Valley, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Western Visayas.

Nagpapatuloy naman ang power restoration sa 114,587 na apektadong consumer connections sa nasabing mga electric cooperative.

Facebook Comments