Mga electric cooperative sa probinsyang daraanan ng Bagyong si Marce, inalerto ng NEA

Inatasan na ng pamunuan ng National Electrification Administration (NEA) na magpatupad na ng contingency measures ang mga electric cooperative sa Northern Luzon dahil sa posibleng pagtama ng Bagyong Marce.

Ayon sa NEA, pinagana na rin nila ang emergency response team kung kinakailangan para maipatupad nang walang antala ang mga kinakailangang emergency response plan.

Batay sa huling report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas ang Signal No. 2 sa North East portion ng Mainland Cagayan at Signal No. 1 sa iba pang probinsya sa Northern Luzon.


Matatandaan na noong manalasa si Bagyong Leon, 12 electric cooperatives mula sa 11 lalawigan at 3 rehiyon ang lubhang naapektuhan ng naturang bagyo.

Facebook Comments