Mga elevator sa mga bus stop sa MRT-3, planong ilagay ayon sa MMDA

42

Inihayag ni Assistant Secretary Celine Pialago ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kasama sa plano ang paglalagay ng elevators sa mga bus stop na nasa MRT-3.


Ang pahayag na ito ay ginawa ni Pialago matapos silang makatanggap ng mga reklamo at mga puna na hindi ito pwede gamitin ng mga senior citizen, buntis at Persons with Disability (PWDs).

Pero sa ngayon, ay inuuna lamang na tapusin ang konstruksyon ng lahat ng MRT-3 bus stop kung saan mayroon pa ring natitirang apat na bus stop para sa EDSA Busway na sisimulan pa lang ang construction matapos makahingi ng clearance mula sa Department of Public works and Highways (DPWH).

Aniya, nakadesensyo rin ang nasabing mga bus stop para sa mga senior citizen, buntis, at PWDs o ito ay para sa lahat ng commuters.

Ang bus stop sa MRT 3 ay itinayo bilang bahagi ng EDSA Busway at EDSA Carousel Bus.

Facebook Comments