Iginiit ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian na dapat nakaalerto na ang mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
Sabi ni Gatchalian, ito ay para sa posibleng border closure na ipapatupad sakaling kumalat na sa iba’t ibang bansa ang bagong variant ng COVID-19 na Omicron.
Diin ni Gatchalian, mahirap at sensitibong pagbalanse ang kailangang gawin sa harap ng banta ng bagong COVID-19 variant na sinasabing mas nakakahawa.
Paliwanag ni Gatchalian, ito ay dahil mayroon tayong 10 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) na labas pasok sa ating bansa.
Giit ni Gatchalian, bagama’t inaalam pa kung anong klase ng virus ang Omicron ay kailangan nang maghigpit sa ating mga border lalo na sa mga bansa na nakapasok na ang nasabing variant ng virus.
Facebook Comments