Puspusan na ang paghahanda ng mga Embahada ng Pilipinas sa nalalapit na Overseas Absentee Voting (OAV).
Sa Israel, namahagi na ang Philippine Embassy ng flyers na naglalaman ng mga impormasyon sa proseso ng OAV.
Pagpasok ng Abril ay agad din munang ititigil ng embahada ang kanilang Consulate-on-Wheels program na naglalayong ilapit ang serbisyo ng embahada sa mga Pinoy roon.
Magsisimula ang OAV sa April 10 dakong alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng tanghali, oras sa Israel
Magtatapos naman ito sa May 9, araw ng halalan sa Pilipinas.
Facebook Comments