
Nananatiling nakahanda ang mga embahada ng Pilipinas sa Middle East sa harap ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, nakakasa pa rin ang contingency plans ng Philippine embassies sa Gitnang Silangan para sa posibleng paglilikas sa mga Pinoy.
Sa kabila nito, umaasa ang DFA na magtutuloy-tuloy na ang paghupa ng giyera sa Middle East.
Kinumpirma rin ni De Vega na sa ngayon ay unti-unti nang bumubukas ang mga negosyo sa Iran at bumabalik na rin sa Tehran ang mga dayuhang diplomat.
Facebook Comments









