Nagtayo ng emergency tents ang Philippine Red Cross (PRC) sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City upang may mapaglagyan ng mga pasyente ng COVID-19.
Ayon kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, nais nilang tulungan ang mga ospital na wala nang bed capacity para tumanggap ng mga pasyente.
Hakbang ito ng PRC matapos makatanggap ng ulat na umano’y nasa pasilyo at sahig na lamang ng ospital nakahiga ang mga COVID-19 patient dahil sa kawalan ng kama.
Bukod sa NKTI, naglagay rin ng karagdagang 100 bed capacity ang Red Cross sa Lung Center of the Philippines.
Base sa huling rekord kahapon, April 23, naabot na ng mga hospital sa Metro Manila sa 70% capacity para COVID-positive patients habang lalo pang tumataas ang bilang ng mga nahahawaan sa NCR.
Ang 20 emergency tents na inilagay sa NKTI ay upang mabigyan ng matutuluyan ang mga pasyenteng hindi na ma-accommodate sa loob ng ospital dahil sa punuan.