Mga empleyado at opisyal ng DepEd, pinaalalahan sa paggamit ng social media

Pinaalalahanan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng kawani at opisyal na maging responsable sa paggamit ng social media.

Batay sa DepEd Order No. 49, Series of 2022 na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, pinag-iingat ang mga empleyado sa pagbabahagi ng posts at iba pang nilalaman sa social media lalo na kung maling impormasyon o sabi-sabi lamang.

Pinagbawalan din ang mga personnel na mag-post ng paninira online laban sa kapwa-empleyado ng DepEd at sa halip ay idaan sa legal at human resource mediation procedures.


Bukod dito, hindi dapat ilagay sa kahihiyan o hamakin ang DepEd at sa halip ay isaalang-alang ang reputasyon nito.

Samantala, pinaiiwas naman ni VP Sara ang mga opisyal at kawani na makipagrelasyon, makipagkwentuhan o pagsunod sa social media sa mga mag-aaral sa labas ng paaralan maliban na lamang kung sila ay kaanak.

Facebook Comments