Mga empleyado ng BOC tahimik sa pagpapalit ng kanilang liderato

Manila, Philippines – Walang isang empleyado at opisyal ng Bureau of Customs na gustong magbigay ng kanilang saloobin hinggil sa pahayag ni pangulong Rodrigo Duterte sa telebisyon na plano nitong italaga si PDEA Director Isidro Lapeña kapalit kay BOC Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Karen Noronio ng Public Information And Assistance Division ng BOC hindi pa pwede silang magsalita o magbigay ng pahayag hinggil sa naging statement ni pangulong Duterte sa telibisyon na si Lapeña ang kanyang napipisil na ipapalit kay Faeldon.

Sa panig naman ng mga opisyal at empleyado ng Customs hindi muna sila magbibigay ng anumang pahayag hanggat wala pang papel silang pinanghahawakan hinggil sa pormal na paglilipat ng posisyon.


Sinabi naman ni Lapeña aantayin muna niya ang pormal na endorsement sa kanya ng pangulo saka siya magbibigay ng anumang pahayag o komento tungkol sa plano ni pangulong Duterte na itatalaga siya bilang bagong BOC Commissioner.

Wala namang reklamo si Faeldon kung sino ang napipisil ng pangulo na hahalili sa kanya.

Facebook Comments