Nagsagawa ng surprise mandatory drug test ang Pamahalaang Bayan ng Calasiao sa 854 empleyado kahapon, Nobyembre 3, 2025.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2018-213 at CSC Memorandum Circular No. 13, s. 2017, na nag-aatas ng mandatory, random, at suspicionless drug testing sa mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng programa na matiyak ang pagkakaroon ng drug-free workplace sa mga tanggapan ng gobyerno at mapanatili ang mataas na antas ng propesyonalismo, pananagutan, at katapatan sa serbisyo publiko.
Buong suporta namang nakibahagi ang mga opisyal at kawani ng LGU sa isinagawang pagsusuri na pinangasiwaan ng isang independent drug testing service.
Facebook Comments









