Mga empleyado ng DepEd makatatangap na ng incentive bonus

Makatatanggap ng hindi lalampas ng 10 libong pisong insentibong bonus ang lahat ng mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon matapos na mag isyu ang   Department of Education ng Sub-Allotment Release Orders.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla dapat umanong makipag-ugnayan ang DepEd Regional Offices sa kanilang DBM counterpart’s para sa pagpapalabas ng Notices of Cash Allocation o NCAs upang makuha ang kanilang 10 libong pisong bonus alinsunod sa pagsusumite ng Special Budget Request o SBR na suportado naman ng Monthly Disbursement Program o MDP.

Dagdag pa ni Sevilla na ang pagpapalabas ng pera na ibinigay para sa taong  2019 ay dapat nasuri ng SRI DepEd-ROs kabilang ang paghahanda ng payroll sa pamamagitan ng  Regional Payroll Servicing Unit.


Paliwanag ng opisyal bago natapos ang Calendar Year 2019, ang bahagi ng P 7,000 ng SRI 2019 ay naibigay na sa lahat ng teachers at non-teaching personnel ng Departamento.

Habang ang natitirang P 3,000, ang pondong Regional Offices na sakop ang buong bayad ng SRI ay naipalabas na noong nakaraang Biyernes February 7, 2020, ng DepEd sa bawat Regions sa pamamagitan ng  pagpapalabas ng  Sub-AROs kung saan kinakailangang magsumite ng kahilingan ang Regions sa kanilang  DBM counterparts para sa pagpapalabas ng  cash allocations.

Facebook Comments