Mga empleyado ng DOJ, pinauwi na dahil walang kuryente mula kaninang madaling araw

Manila, Philippines – Pinauwi na kaninang ala-una ng hapon ang mga kawani ng Department of Justice dahil sa brownout sa DOJ.

Mula kaninang alas singko ng madaling araw ay wala nang supply ng kuryente sa DOJ.

Bunga ito ng pagputok ng transformer na kasalukuyan pa ring kinukumpuni ng mga tauhan ng MERALCO.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang mga transaksyon dito sa Department of Justice dahil sa skeletal force kabilang na ang inquest prosecutors.


Facebook Comments