Mga empleyado ng ERC, dismayado sa pag-apruba ng Kamara sa isang-libong budget nito sa 2018

Manila, Philippines – Dismayado ang mga empleyado ng Energy Regulatory Commission kasunod ng pag-apruba ng Kamara sa isang-libong budget nito sa 2018.

Katwiran ni Zamboanga Rep. Celco Lobregat, tadtad kasi ng kontrobersya at akusasyon ng katiwalian ang ERC kaya hindi ito dapat bigyan ng malaking pondo.

Pero giit ni ERC Commissioner ina Asintri, mas malaking problema kapag tuluyang napako sa P1,000 ang budget ng ahensya.


Ayon naman kay ERC-re Division Chief Sharon Montañer, nangangamba tuloy ang mga empleyado ng ERC na baka mawalan na sila ng trabaho sa susunod na taon.

Dahil dito, nanawagan ang mga commissioner ng ahensya sa suspendido nilang chairman na si Jose Vicente Salazar na magbitiw na sa puwesto para maisalba ang ahensya sa halos zero-budget.

Wala pa namang pahayag tungkol dito si Salazar.

Facebook Comments