Mga empleyado ng gobyerno, matatanggap na ang kanilang mga bonus

Manila, Philippines – Good news para sa lahat ng empeyado ng gobyerno.

Tiniyak ngayon ng Department of Budget ang Management o DBM na matatanggap na ng may 1.3 milyong government employees ang kanilang cash gift at ang year-end bonus simula ngayong buwan.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nakapaglaan na ang gobyerno ng 6.93 billion pesos para sa cash gift at 32.84 billion pesos naman para sa year-end bonus na nakapaloob din naman aniya sa 2017 national budget.


Sinabi ni Diokno na bukod sa year-end bonus ay 5 libong piso din ang matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno bilang cash gift.

Simula aniya November 16 pa ito matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno dahil special non-working day ang November 15 dahil sa ASEAN Summit.

Facebook Comments