Mga empleyado ng gobyerno, posibleng matanggap ngayong linggo ang Service Recognition Incentive —DBM

Inendorso ni Sec. Aminah Pangandaman ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang ibigay na ang Service Recognition Incentive (SRI) sa mga empleyado ng pamahalaan.

Sa Year End Assessment ng DBM, posibleng hanggang Biyernes ay mapirmahan na ng pangulo ang Administrative Order para sa pamamahagi ng SRI.

Hanggang ₱20,000 ang maaaring matanggap na SRI ng lahat ng mga permanent employee.


Bukod dito, tiniyak ng DBM na mayroon ding budget na nakalaan para sa bonus ng mga contract of service at mga job order.

Naghihintay lamang daw si Pangandaman ng utos mula sa pangulo kung kailan ito ibibigay pero tumanggi siyang sabihin kung magkano ang halaga nito.

Facebook Comments