Mga empleyado ng government at mga attached agency, hindi obligado na papasukin lahat sa trabaho ngayong GCQ ayon sa CSC

Ipinahayag ng Civil Service Commission (CSC) na hindi obligadong 100% na papapasukin simula Lunes, June 1 ang lahat ng government agencies at mga attached agency nito.

Ito ang ipinahayag ng CSC kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa General Community Quarantine (GCQ) na ang malaking bahagi ng bansa kasama na ang National Capital Region (NCR).

Sinabi ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada na mananatili ang skeletal workforce sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.


50% lamang ng mga empleyado ng gobyerno ang papayagang bumalik sa trabaho habang ang iba ay work-from-home pa rin.

Kahit nasa GCQ na ang malaking bahagi ng bansa, hindi pa rin nawawala ang banta ng transmission ng virus.

Facebook Comments