Mga empleyado ng Kamara, muling pinaalalahanan na mahigpit na sundin ang COVID-19 protocols

Pinaalalahanan ng Office of the House Secretary General ang mga empleyado ng Kamara na mahigpit na sundin ang COVID-19 protocols tulad ng palaging paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng bibig kapag umuubo, pagsusuot ng face mask at paghikayat sa mga immunocompromised na manatili sa isang lugar na maayos ang bentilasyon.

Nakasaad ito sa isang memorandum na inilabas ng Office of the House Secretary General sa gitna ng tumataas na bilang ng mga empleyado ng Kamara na tinatamaan ng sakit.

Kasama rin sa payo ang pagsasagawa ng antigen test gamit ang mga test kits na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).


Base sa memorandum, kung magpopositibo sa test ay kailangan agad ipaalam sa Health and Safety Officer ng Kamara kung saan ang empleyado na magpopositibo sa COVID19 ay kailangan mag isolate ng limang araw at 10 araw naman para sa mga immunocompromised.

Obligado naman ang opisina o divison ng naturang COVID-19 positive na magsuot ng facemask sa loob ng 10 araw.

Facebook Comments