Mga empleyado ng Makati Health Department, sinumulan na bakunahan ngayong araw

Umarangkada na ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 sa mga mangagagawa ng Makati Health Department o MHD at miyembro ng Incident Command Post ng lungsod.

Nasimula ang kanilang pagbakuna pasado ala-una ngayong hapon na ginawa sa Makati City Coliseum na ginawa bilang COVID-19 vaccination center ng lungsod.

Ayon kay Jun Salgado, Public Information Chief ng Makati City Government, nasa 2,400 doses ng AstraZeneca vaccine at 54 doses naman ng Sinovac vaccine ang kanilang ibibigay.


Aniya, batay sa kanilang tala meron 2,545 frontliners ang nagparegister sa kanilang Bakuna Makati program.

Sina Doc. Roland Unson, Deputy Incident Commander ng Incident Command Post ng lungsod at Dr. Joel Alejandro, Physician ng Makati Health Department ang unang mabigyan ng bakuna.

Sinabi rin ni Salgado na pagdimaubos ang bakuna, ipagpapatuloy ito sa susunod na mga araw hanggang sa maibigay lahat ang bakuna sa mga fronliner sa lungsod.

Facebook Comments