Mga empleyado ng Makati Shangri-La, pwedeng mag-apply para sa cash aid – DOLE

Ang mga empleyado ng Makati Shangri-La Hotel na naapektuhan ng pansamantalang pagsasara ay maaaring mag-apply para sa cash assistance program ng gobyerno.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, ang mga displaced hotel employees ay maaaring mag-avail ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa tourism sector workers.

Aniya, nananatiling bukas ang programa at handang bigyan sila ng cash assistance.


Ang CAMP ay one-time cash assistance kung saan 5,000 pesos ang ibinibigay sa mga formal sector workers na nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

Higit 950,000 workers mula sa formal sector ang nakatanggap na ng financial assistance mula sa programa.

Facebook Comments